Bangon Pilipinas
 
IBON Books

FEATURES

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Foreign land deals: global land grabbing?

16 June 2011 | These land deals are unconstitutional and have long-term severe implications to the host country's food security, land ownership and national sovereignty.

IBON Features-- There is a rising trend in the number of what are called foreign land deals in many countries across the globe, covering up to million hectares of land. The scale and rate at which these deals have taken place, plus the institutions involved in the transactions have made these deals controversial. 
 
The implications of foreign land deals are tremendous, especially on farmers’ rights, food security and national sovereignty. 
 
Land rush
 
Foreign land deals refer to purchases or long-term leases or large tracts of productive lands in the poor countries by rich countries and their corporations, which need resources to produce crops either for food, feedstock, or biofuels in commercial and export quantities. These have been referred to as "land grabs" because of the usually unfair terms by which they have been transacted. While most of these deals pass through legal government channels, consultation with the communities of farmers and indigenous people is lacking. 
 
The land rush, which began as early as 2006, is said to be not only due to the rush by “food insecure” nations to ensure food supply or the increasing demand for alternative sources of energy like biofuels, but also by market opportunities from speculation on land value. 
 
Indeed in the face of an intensifying global crisis, land markets have become attractive as they present a new arena for speculation on land prices. According to Oxfam, there are around 120 hedge funds, retirement funds, agribusiness corporations and private equity funds investing in agricultural lands in poor countries. This shows that the land rush is only partly explained by the food and energy demands, and it becomes apparent that investment in soft commodities such as farmlands is about profitability. 
 
Who are involved?
  
According to non-government organization GRAIN, the Philippines is among the leading target countries for land deals, with others like Sudan, Pakistan, Ethiopia, Tanzania, etc. This is despite provisions in the Philippine Constitution barring foreigners from owning land in the country.

Global land grabbing was first noticed with the involvement of China and Middle Eastern countries. So-called food insecure countries have sought to outsource their local food production by gaining land control in other countries. Since 2008, China, Saudi Arabia, Egypt, Bahrain, Gulf countries, Jordan, Kuwait, Libya, Qatar, UAE, India, Malaysia, Japan and South Korea have been on a land rush to Africa, South and Southeast Asia, South America and Central Asia.
 
But aside from the “food-insecure” nations, another group of land grabbers are the investment houses, private equity funds, fund managers, and large agribusiness corporations.  They enter the picture either through local private partners, the host governments, or through their own governments seeking joint ventures with the taget countries. One example of this disguised group of land grabbers is the Japanese firm Mitsui, which bought 100,000 hectares of land in Brazil for soybean production. This land grabbing is in the form of acquisition of farmlands, where Japanese and Arab trading and processing corporations are involved. 
 
The third group of land grabbers is the host governments. They change national laws, policies, as well as practices on land ownership to accommodate the foreign acquisitions. For instance, the Sudan government, which owns most of the country’s land, is issuing leases at cheap prices. Meanwhile the Chinese government introduced rights leasing or trading to farmers. 
 
Other governments that are reluctant to open up and allow foreigners to take over their lands will have to deal with the World Bank. In 2009, World Bank loans, grants, equity investments, and guarantees increased by a record 54% from the previous year, and most of the increases are directed to facilitating foreign land deals. 
 
The Philippines
 
After centuries of colonial land grabs and decades of failed land reforms and globalization, 
the country is actually set for this new brand of foreign land grabbing. 
 
The Philippine Agribusiness Development Cooperation Center (PADCC), created in 2007 keeps a land bank of supposedly idle lands that may be considered for agribusiness deals. It facilitated a US$300-million worth of investments from the NEH of Bahrain and the local AMA group to establish a banana export project in Davao del Norte. 
 
On the other hand, the Philippine government under former President Gloria Arroyo entered 18 deals with China, letting Chinese companies access 1.24 million hectares of land. These deals, which became controversial together with the NBN-ZTE deal, have already been cancelled.
 
The Philippine government is also waiting for the follow-up visits from Saudi Arabia to finalize the US$238.6 million fresh investments for cash crop plantations like banana, mango and pineapple, as well as aquaculture and halal food processing. The two governments have actually been discussing the possibility of Saudi food production in Mindanao and other parts of the Philippines for a lease of 50 years or so. 
 
Meanwhile, China has reportedly secured control of over 2 million hectares of foreign agricultural lands from countries including the Philippines, Brazil, Kazakhstan, Laos, etc. There is also a plan by the Republic of Korea of investing in corn plantation in the Philippines involving a large agricultural area. 
 
Moreover, the Philippine government has allocated six million hectares of ‘idle lands’ for the production of sugarcane, coconut, cassava, jathropa, oil palm, etc. It has also allocated two million hectares for agribusiness development. All these are even bigger than the size of the country’s current cereals farms. 
 
Promised Benefits
 
One of the promised benefits of farmland investments is affordable food for all. But land deals are happening in two unrelated markets—the products market and the land market, with the latter operating on too much speculation. With this, the prices of food will continue to be affected not by the supply-demand equations and production ratios but only with the amount of capital invested in the commodity exchanges. In fact, the steep increases in rice prices in 2008 were largely due to the activities of financial investors in the commodity exchanges.
 
Also, allowing foreigners to own land for food production will not ensure stable food prices because the produce will eventually be exported back to the source countries at the prevailing global market prices. This will benefit agribusiness corporations and their governments tremendously by increased profits from utilizing cheap land and labor in the host countries and reselling at speculation-driven prices.

===

Mga dayuhang kasunduan sa lupa: pandaigdigang pangangamkam ng lupa?

Ang mga land deal na ito ay labag sa batas at may pangmatagalang grabeng implikasyon sa seguridad sa pagkain, pagmamay-ari ng lupa at pambansang soberanya ng isang bansa.

Nagiging pangkaraniwan na ang mga tinatawag na ‘foreign land deals’ (mga dayuhang kasunduan sa lupa) sa maraming bansa sa buong mundo, na sumasaklaw sa milyong ektarya ng lupain. Dahil sa lawak at tantos, idagdag pa ang mga institusyong sangkot sa mga transaksyon, naging kontrobersyal ang mga kasunduang ito.

Matindi ang mga implikasyon ng foreign land deals, laluna sa karapatan ng mga magsasaka, seguridad sa pagkain at pambansang soberanya.

Malawakang Pandarambong ng mga lupain

Pumapatungkol ang foreign land deals sa mga pagbili o pangmatagalang pag-upa ng malalaking tipak ng produktibong lupa sa mga mahihirap na bansa kung saan kailangan ng mayayamang bansa o mga kumpanya nila ang rekurso sa paglikha ng produktong pagkain, pampatuka o biofuels para sa kantidad na komersyal o pang-eksport. Tinagurian nang “land grabs” ang mga ito dahil sa karaniwang di-pantay na turingan sa transaksyon. Habang ang karamihan sa mga kasunduang ito ay dumadaan sa mga pamamaraan ng ligal na gubyerno, kadalasan namang nagkukulang sa pagkonsulta sa mga apektadong komunidad ng mga magsasaka at  pambansang minorya.

Nag-umpisa pa noong 2006, ang maramihang  pagbili ng lupain ay sinasabing hindi lang dahil sa pagmamadali ng mga “food insecure” na bansa na tiyakin ang suplay ng pagkain o sa tumataas na demand para sa alternatibang mapagkukunan ng enerhiya gaya ng biofuel.   Naganap din ito  dahil din diumano sa mga oportunidad sa palengke mula sa ispekulasyon sa halaga ng lupa.

Sa harap ng tumitinding pandaigdigang krisis, ang palengke ng lupa ay naging kaakit-akit dahil naghahapag ito ng bagong larangan ng ispekulasyon sa presyo ng lupa. Ayon sa Oxfam, mayroong 120 hedge funds, retirement funds, mga kumpanya sa agribisnes at private equity funds na namumuhunan sa mga lupaing agrikultural sa mga mahihirap na bansa. Ipinapakita nitong ang pag-uunahan sa pagbili ng lupa ay bahagya lamang naipapaliwanag ng demand sa pagkain at enerhiya, at lumilinaw na ang pamumuhunan sa mga ‘soft commodity’ gaya ng lupa ay tungkol sa pagkamal ng tubo.

Sino ang mga sangkot?

Ayon sa non-government organization na GRAIN, ang Pilipinas ay kabilang sa nangungunang target na bansa para sa land deals, kasama ng Sudan, Pakistan, Ethiopia, Tanzania, at iba pa. Ito’y sa kabila ng mga probisyon sa Konstitusyon ng Pilipinas na nagbabawal sa mga dayuhan na magmay-ari ng lupa sa bansa.

Unang napansin ang pandaigdigang pangangamkam ng lupa sa pagkakasangkot ng China at mga bansa sa tinaguriang Middle East. Ang mga bansang tinatawag na ‘food insecure’ ay nagtangkang isagawa sa labas ng kanilang bansa ang produksyon ng pagkain sa pamamagitan ng pag-ari ng lupa sa ibang bansa. Mula 2008, ang China, Saudi Arabia, Egypt, Bahrain, mga bansa sa Gulf, Jordan, Kuwait, Libya, Qatar, UAE, India, Malaysia, Japan at South Korea ay nagsibili ng lupain sa Africa, South at Southeast Asia, South America at Central Asia.

Subalit bukod sa mga bansang ‘food insecure’, isa pang grupo ng mga mangangamkam ng lupa: mga dambuhalang bahay-pamumuhunan, private equity funds, fund managers at malalaking kumpanyang agribisnes. Nakakapangamkam ang mga ito sa pamamagitan ng mga lokal na pribadong partner, mga gubyerno ng bansang kinaroroonan ng lupa, o sa pamamagitan ng kanilang sariling gubyernong naghahanap ng joint venture sa target na bansa. Isang halimbawa ng nakakubling grupong ay ang kumpanyang Hapon na Mitsui, na bumili ng 100,000 ektarya ng lupa sa Brazil para sa produksyon ng soybean. Ang pangangamkam ng lupang ito ay sa anyo ng pamimili ng lupang agrikultural na sangkot din ang iba pang kumpanya sa  kalakalan at pagpoproseso ng mga Hapon at Arabo.

Ang pangatlong grupo ng mga landgrabbers ay ang mismong gubyerno sa bansang kinaroroonan ng lupain. Binabago nila ang mga pambansang batas, patakaran, pati ang mga kalakaran hinggil sa pag-aari ng lupain – upang pagbigyan ang dayuhang investor. Halimbawa, ang gubyerno ng Sudan na may-ari din ng kalakhan sa lupain ng bansa, ay nagpaupa ng kanilang lupa sa napakamurang halaga. Samantala nag-introdyus din ng karapatan sa pag-upa o pagkalakal sa mga magsasaka ang gubyernong Tsino.

Haharap naman sa World Bank ang ibang bansa na nagdadalawang-isip na magbukas at magpahintulot sa dayuhang kontrol  sa lupa.. Noong 2009, ang mga pautang, grant, equity investments, at garantiya ng World Bank ay tumaas nang rekord na 54% mula sa nakaraang taon, at karamihan sa mga pagtaas na ito ay maituturo sa pamamagitan sa mga foreign land deal.

Ang Pilipinas

Pagkalipas ng ilang siglo ng kolonyal na pangangamkam ng lupa,   at ilang dekada  ng mga bigong programa ng reporma sa lupa at globalisasyon, ang bansa ay nakakundisyon para sa bagong usong foreign land grabbing.

Sa pamamagitan ng  Philippine Agribusiness Development Cooperation Center (PADCC), na nilikha noong 2007, mayroong land bank ng mga nakatiwangwang na lupa na maaaring ikonsidera para sa mga kasunduang agribisnes. Pinangasiwaan nito ang  US$300-milyong halaga ng puhunan mula sa NEH ng Bahrain at lokal na grupong AMA para maitayo ang isang banana export project sa  Davao del Norte.

Gayundin, matatandaang  pumasok ang dating administrasyong Macapagal-Arroyo sa  18 kasunduan sa China na nagpahintulot sa mga kumpanyang Chinese na gumamit ng 1.24 milyong ektarya ng lupaing Pilipino.  Nakansela na ang mga kasunduang ito matapos na  maging kontrobersyal kasabay ng NBN-ZTE.

Naghihintay rin ang gubyerno ng Pilipinas ng mga follow-up na pagbisita mula Saudi Arabia upang ipinal ang US$238.6 milyon na bagong puhunan para sa mga plantasyon ng cash crops tulad ng saging, mangga at pinya, pati ng pagproseso ng pagkaing aquaculture at halal. Kasalukuyang nasa negosasyon ang dalawang gubyerno hinggil sa 50 taong pagpapaunpa ng lupa at posibilidad ng produksyon ng pagkain sa Mindanao at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Samantala, kontrolado na ng China ang mahigit dalawang milyong ektarya ng dayuhang lupang agrikultural sa labas ng kanilang teritoryo  kabilang na sa bansang  Pilipinas, Brazil, Kazakhstan, at Laos. . Mayroon ding plano ang Republic of Korea na mamuhunan sa mga plantasyon ng mais sa Pilipinas at mangangailangan ng malawak na eryang agrikultural.

Samantala, naglaan na ang gubyerno ng Pilipinas ng anim na milyong ektarya ng ‘nakatiwangwang na lupa’ para sa produksyon ng tubo, niyog, kamoteng-kahoy, jathropa, palm oil at iba pa. Naglaan na rin ito ng dalawang milyong ektarya para sa pagpapaunlad ng agribisnes. Mas malaki pa ang mga itokaysa mga kasalukuyang  taniman ng cereals sa bansa.

Mga pangako ng pakinabang

Isa sa mga pangakong pakinabang ng puhunan sa lupang bukid ay abot-kayang pagkain para sa lahat. Subalit ang mga land deals ay nangyayari sa dalawang di-magkaugnay na palengke – sa products market at land market, kung saan ang palengke ng lupa ay gumagana batay sa sobrang ispekulasyon.  Dahil dito, ang presyo ng  pagkain ay patuloy na maaapektuhan hindi ng supply-demand at ratio sa produksyon kundi sa halip ay sa dami ng inilagak na kapital sa commodity exchange. . Katunayan sa kalakhan, ang pagsirit sa presyo ng bigas noong 2008 ayay iniluwal ng mga aktibidad ng mga financial investors sa pagpapalit ng kalakal sa merkado.

Gayundin, hindi naman magtitiyak ng estableng presyo ng pagkain ang pagpapahintulot sa mga dayuhan na magmay-ari ng lupa para sa produksyon ng pagkain. Ito ay dahil ang produkto ay ibabalik din sa mga pinanggalingang bansa sa namamayaning presyo sa global market. Lubos na makikinabang rito ang mga kumpanyang agribisnes at kanilang mga gubyerno sa pamamagitan ng mas mataas na tubo mula sa paggamit ng murang lupa at paggawa at muling pagtinda ng produkto sa presyong tulak ng ispekulasyon.

Masahol  pa, ang pagsasantabi at dislokasyon ng mga komunidad ng mga magsasaka at pambansang minorya mula sa kanilang lupa ay lalong magpapahina sa kanilang kakayahang bumili ng pagkain. Sa bandang huli, dahil sa foreign land deals ang mga komunidad ay kagyat na inaalisan ng kanilang karapatang makonsulta at makibahagi sa mga programa sa pamamahagi ng pagkain. Lalo naming mawawalan ng pagkakataon ang mga bansa na bumuo ng makapag-istak, magpatupad ng sentralisadong pagbili at magpaunlad ng lokal na kapasidad at pamilihan.

Mawawasak ang maliitan at backyard farming  sa pagpasok ng mga dambuhalang korporasyon at pagkontrol ng negosyo sa produksyong agrikultural at pagkain.   Manganganib ang  maliliit na taniman, gayundin ang pambansang kakayahang magprodyus ng sariling pagkaindahil sa mga foreign land deal na magpapahintulot sa mga dayuhang korporasyon at mamumuhunan na magprodyus ng pagkain habang ang lokal na pamilihan  ay nakaasa sa mga imported na pagkain. Kayat sa esensya, isinusuko ng mga bansa ang kanilang karapatang magsarili at produksyon para sa sariling pagkain gayundin ang kanilang demokrasya sa ekonomya na magtakda ng likas-kayang gamit ng kanilang mga binhi, genetic resources, mapagkukunan ng tubig, livestock at iba pang likas na yaman.

Panghuli, , mananagot ang mga gubyernong nakikipagsabwatan sa mga landgrabbers hindi lang sa pagtatakip sa mga foreign land deals at paglabag sa karapatan ng mga komunidad, kundi sa pagsuko ng soberanya ng bansa tungo sa pagkakamit ng ng katiyakan sa pagkain at pambansang kaunlaran. – Lathalaing IBON

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.