Bangon Pilipinas
 
IBON Books

FEATURES

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

EDSA and the Economy: 25 years after

24 February 2011 - The 1986 People Power uprising created a moment of national unity and international credibility that could have been the starting point of real economic progress.

By Sonny Africa
IBON Research Head

IBON Features -- The anniversary of the first People Power is a time to reflect on how the nation is 25 years later. The 1986 People Power uprising after all was driven by a desire for political and economic democracy. Politically, Filipinos were emboldened to oppose the Marcos dictatorship upon years of determined struggle by Filipino activists. Economically, people saw that a handful of cronies and foreign elite were prospering amid high unemployment and widespread poverty.

However outside of appearances, there has been scant progress towards this democracy over 25 long years.

Economically, twenty-five years would have been long enough for the economy to take-off. The 1986 People Power uprising created a moment of national unity and international credibility that could have been the starting point of real economic progress.

Sweeping genuine agrarian reform should have been done immediately while the landed families were on the defensive against a surging mass movement. This would have unleashed the country’s agricultural potential, raised rural incomes and broken the back of peasant poverty. An industrialization program should have begun that preserved what domestic manufacturing existed and that phased the steady development of key and strategic industries. Foreign debts of the Marcos administration should have been cancelled and the resources freed up poured into domestic education, health, housing and infrastructure.
    
Even just 10 to 15 years of progressive and nationalist policies since 1986 would have been enough to start building solid domestic economic foundations. Instead, 25 years of five post-Marcos administrations embraced and implemented free market policies of neoliberal globalization – trade and investment liberalization, privatization and deregulation. Economic growth, foreign investments and exports were treated as ends in themselves rather than the mere means to development that they are. Profits and commerce were hyped while the State’s responsibility to deliver real social and economic development was disparaged.

The 7.2% annual growth in gross domestic product (GDP) in 2010 and the average 4.5% growth during the previous Arroyo administration from 2001-2009 are considerably faster than the average 3.9% growth in the period 1986-1991 under the first Aquino administration. Foreign direct investment (FDI) has markedly increased from US$2.0 billion in 1986 (equivalent to 6.7% of GDP) to US$23.6 billion in 2009 (14.5% of GDP). The value of exports rose from being equivalent to 16.2% of GDP in 1986 to average 46.1% of GDP over the decade 2000-2009.

Yet there has also been rising joblessness, persistently severe inequality and growing numbers of poor amid economic decline. The unemployment rate which averaged 10.6% in the pre-People Power uprising six-year crisis period 1981-1986 has even risen to average 11% in the period 2005-2010, according to IBON’s estimates; this increase has only been camouflaged by a convenient redefinition of official unemployment in 2005. The 2.6 million unemployed Filipinos in 1986 increased to 4.4 million in 2010.

Inequality remains persistently severe. In 1985 the top 20% of families cornered 52.1% of total family income leaving the bottom 80% to divide the remaining 47.9% between them. This has barely changed over the last 25 years and in 2009 the top 20% of families still claimed 51.9% of total family income (with the bottom 80% dividing the remaining 48.1%). Also in 2009, the net worth of just the 25 richest Filipinos of US$21.4 billion (Php1,021 billion at the prevailing exchange rate) was equivalent to the combined annual income of the country's poorest 11.1 million families or some 55.4 million Filipinos (computed with an average family size of five) of Php1,029 billion.

The number of poor is a bit more difficult to compare because of at least two changes in the methodology for estimating poverty in the country. The government officially counted 26.7 million poor Filipinos in 1985 rising to 30.9 million in 2000. A subsequent revision statistically reduced the 2000 estimate to 25.5 million with this rising, according to the same methodology, to 28.5 million in 2009. Yet another revision statistically reduced the official 2009 estimate to 23.1 million. In any case, in 2009 some six out of ten Filipinos were trying to survive on incomes of PhP82 or even much less per day for all their food and non-food expenses.

The explosion of optimism for change in 1986 was followed by decades of missed opportunities. There was likewise a burst of optimism in 2010 following the end of the nine-year Arroyo administration. Indeed the economic lessons are there to be learned and the next decades need not be more of the same.  For now the optimism comes from the rising number of Filipinos wielding People Power not just in moments of revolt but also in daily and organized struggles for real social change. IBON Features

===

Ang EDSA at ang Ekonomya: 25 taon pagkalipas

 

24 Pebrero 2011 – Lumikha ang pagbangong 1986 People Power ng sandali ng pambansang pagkakaisa at internasyunal na kredibilidad na maaari sanang naging umpisa ng tunay na pag-unlad na pang-ekonomya. |  Ni Sonny Africa | IBON Research Head

Lathalaing IBON – Ang anibersaryo ng unang People Power ay panahon upang pagmunihan ang kalagayan ng bansa 25 taon pagkalipas. Kung sa bagay, itinulak ang pagbangong 1986  People Power ng mithiin para sa demokrasyang pampulitika at pang-ekonomya. Sa usaping pulitikal, nagkalakas-loob ang mga Pilipino na labanan ang diktaduryang Marcos sa ilang taon ng determinadong pakikibaka ng mga Pilipinong aktibista. Sa usaping ekonomya, nakita ng mamamayan na umaasenso ang mabibilang-sa-daliring mga kroni at dayuhang iilan sa gitna ng disempleyo at malawakang kahirapan.

Gayunman, higit sa namamalas ng mga mata, nagkaroon ng kakatiting na pag-unlad patungo sa demokrasyang ito sa loob ng 25 taon.

Sa usaping pangkabuhayan, sapat na sana ang 25 taon upang makaangat ang ekonomya. Ang pagbabangong 1986 People Power ay lumikha n g sandal ng pambansang pagkakaisa at internasyunal na kredibilidad na maaari sanang naging umpisa ng tunay na pag-unlad pang-ekonomya.

Kagyat sanang naisagawa ang malawakang tunay na repormang agraryo habang nasa depensiba ang mga may-lupang pamilya laban sa rumaragasang kilusan ng mamamayan. Napakawalan sana nito ang agrikultural na potensyal ng bansa, napataas ang kita sa mga eryang rural at nabali ang gulugod ng kahirapang magbubukid. Naumpisahan sana ang programang industriyal na nagpreserba ng anumang lokal na pagmanupakturang mayroon at nagkumpas ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng mga susi at estratehikong industriya. Nakansela sana ang mga utang-panlabas ng administrasyong Marcos at ang mga rekurso’y nakalagan upang ibuhos sa pambansang edukasyon, kalusugan, pabahay at imprastruktura.

Kahit 10 hanggang 15 taon ng progresibo at makabayang patakaran mula 1986 ay naging sapat n asana para umpisahan ang pagtatag ng solidong pang-ekonomyang pundasyon ng bansa. Kabaligtaran nito, 25 na taon ng limang administrasyon pagkatapos ng kay Marcos ang yumakap at nagpatupad ng mga patakarang free market ng neoliberal na globalisasyon – liberalisasyon ng kalakal at pamumuhunan, pribatisasyon at deregulasyon. Trinato ang pag-unlad ng ekonomya, dayuhang pamumuhunan at eksport bilang mga layunin imbes na mga paraan lamang tungo sa pag-unlad. Ang tubo at komersyo ay pinatampok samantalang ang responsibilidad ng Estado na maghatid ng tunay na panlipunan at pang-ekonomyang pag-unlad ay kinalimutan.

Ang 7.2% taunang paglago sa gross domestic product (GDP) noong 2010 at ang abereyds na 4.5% paglago sa panahon ng nakaraang administrasyong Arroyo mula 2001-2009 ay maituturing na mas mabilis kaysa abereyds na 3.9% paglago sa panahong 1986-1991 sa ilalim ng unang administrasyong Aquino. Mapapansing tumaas ang direktang dayuhang pamumuhunan (foreign direct investment o FDI) mula US$2.0 bilyon noong 1986 (katumbas ng 6.7% ng GDP) sa US$23.6 bilyon noong 2009 (14.5% ng GDP).

Ang halaga ng eksport ay umakyat mula sa katumbas ng 16.2% ng GDP noong 1986 sa abereyds na 46.1% ng GDP sa dekadang 200-2009.

Subalit nagkaroon din ng tumataas na kawalang-trabaho, paulit-ulit na malalang di-pagkakapantay-pantay at lumalaking bilang ng mahihirap sa gitna ng pagbagsak ng ekonomya. Ang tantos ng disempleyo na nag-abereyds ng 10.6% bago ang 6-taong panahon ng krisis ng 1981-1986 bago ang pagbangong People Power ay tumaas pa sa abereyds na 11% sa panahon ng 2005-2010, ayon sa pagtantsa ng IBON; ang pagtaas na ito ay napalamutian lamang ng kumbinyenteng pagbaluktot ng komputasyon ng upisyal na kawalang-trabaho noong 2005. Ang 2.6 milyong walang-trabahong Pilipino noong 1986 ay tumaas sa 4.4 milyon noong 2010.

Nananatili ang paulit-ulit na kalubhaan ng di-pagkakapantay-pantay. Noong 1985 ang pinakamataas na 20% ng mga pamilya ay nakakopo ng 52.1% ng pangkabuuang kita ng mga pamilya at iniwan ang 80% sa ilalim nito upang paghati-hatian ang natitirang 48.1%). Noon ding 2009, ang natitirang halaga ng 25 pinakamayayamang Pilipino lamang na US$21.4 bilyon (Php1,021 bilyon sa kasalukuyang palitan) ay katumbas ng pinagsama-samang taunang kita ng pinakamahihirap na 11.1 milyong pamilya ng bansa o may 55.4 milyong Pilipino (kinompyut sa abereyds na laki ng pamilyang may limang myembro) na Php1,029 bilyon.

Ang bilang ng mahihirap ay medyo mas mahirap ikumpara dahil nagkaroon ng di bababa sa dalawang pagpapalit sa metodolohiya para sa pagtantsa ng kahirapan sa bansa. Upisyal na nakapagbilang ang gubyerno ng 26.7 milyong mahihirap na Pilipino noong 1985 na tumaas sa 30.9 milyon noong 2000. Pinaliit ng istatistika ng sumunod na rebisyon sa metodolohiya ang tantsa noong 2000 sa 25.5 milyon na ayon sa parehong metodolohiya ay tumaas sa 28.5 milyon noong 2009. Subalit isa pang rebisyon ang istatistikal na nagpaliit sa upisyal na tantsa ng 2009 sa 23.1 milyon. Anu’t anuman, noong 2009 may anim sa sampung Pilipino ang nagtatangkang mabuhay sa kitang Php82 o higit pang maliit dito kada araw para sa kanilang mga gastusing para sa pagkain at di-pagkain.

Ang pagbulwak ng optimismo para sa pagbabago noong 1986 ay sinundan ng mga dekada ng napalipas na oportunidad. Nagkaroon din ng pagyabong ng optimism noong 2010 kasunod ng pagtatapos ng siyam-na-taong administrasyong Arroyo. Tunay ngang ang mga aral pang-ekonomya ay naroon upang matutunan at ang mga sumunod na dekada ay din na kailangan pang maging tulad ng dati. Sa ngayon ang optimismo ay nagmumula sa dumaraming bilang ng mga Pilipinong isinasabuhay ang People Power di lang sa mga sandali ng pag-aalsa kundi rin sa araw-araw at organisadong mga pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan. Lathalaing IBON


Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.