Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

As UN declares access to water as basic human right: Aquino gov’t urged to stop water privatization

The Philippine experience shows that privatization violates the human right to water, and that water shortages are a direct result of privatization of water resources and utilities.

The Aquino government should stop water privatization in the light of the United Nations’ (UN) recent resolution declaring water and sanitation as a right, according to water advocacy group Water for the People Network (WPN).

According to group, the Philippine experience shows that privatization violates the human right to water, and that water shortages are a direct result of privatization of water resources and utilities. It urges the Aquino government to junk current privatization projects such as the Angat Dam, and instead conduct a review of major privatization projects like the Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS).

The UN General Assembly approved on July 28 the resolution recognizing access to clean water and sanitation as a basic human right, citing concern for around 884 million people worldwide without access to water. The UN calls on governments to scale up efforts in ensuring clean, safe, adequate water especially in poor countries.

The WPN said that in the Philippines, the privatization of public water utilities has worsened the people’s access to water, adding that 16 out of 100 families in all income classes do not have access to safe water. In Metro Manila, water rates have also continued to increase since the privatization of the MWSS, with the two private firms increasing their basic charges by 449% (Maynilad) and 845% (Manila Water).

The group added that less than 60% of Maynilad’s service area in the west zone has 24-hour water service, while Manila Water claims 99% water supply coverage in the east zone but does not distinguish areas with direct household connection from those serviced by private water suppliers.

According to the group the recent water shortage in Metro Manila should challenge the Aquino administration to reverse the privatization process in water that has benefited only the private water corporations and elite families in the country, while further increasing the burden of poor Filipinos with excessive user rates and deficient service. The UN resolution should also prompt the government to take more seriously its responsibility of providing adequate and affordable water for the poor, the WPN said. (end)

 

===

Sa pagdeklara ng UN sa pagtamasa ng tubig bilang batayang karapatang-tao: Gubyernong Aquino hinikayat na itigil ang pribatisasyon ng tubig

Ipinakita ng karanasan sa Pilipinas na  nilalabag ng pribatisasyon ang karapatang-tao sa tubig, at ang kakulangan sa tubig ay direktang resulta ng pribatisasyon ng mga rekurso’t kagamitang tubig.

Dapat itigil ng gubyernong Aquino ang pribatisasyon ng tubig sa konteksto ng resolusyon kamakailan ng United Nations (UN) na nagdedeklara sa tubig at kalinisan bilang karapatan, ayon sa grupong nagsusulong ng kagalingang may kinalaman sa tubig, ang Water for the People Network (WPN).

Ayon sa grupo, ipinakikita ng karanasan sa Pilipinas na  nilalabag ng pribatisasyon ang karapatang-tao sa tubig, at ang kakulangan sa tubig ay direktang resulta ng pribatisasyon ng mga rekurso’t kagamitang tubig. Hinihikayat nito ang gubyernong Aquino na ibasura ang kasalukuyang mga proyektong pribatisasyon gaya ng Angat Dam, at imbes ay maglunsad ng rebyu ng pangunahing mga proyektong pribatisasyon gaya ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Inaprubahan ng UN General Assembly noong Hulyo 28 ang resolusyon na kumikilala sa pagkakaroon ng malinis na tubig at sanitasyon bilang batayang karapatang-tao, habang binabanggit ang pagkabahala para sa 884 milyong mamamayan sa buong mundo na walang mapagkunan ng tubig. Nananawagan ang UN sa mga gubyerno na paigtingin ang mga pagsisikap na tiyakin ang malinis, ligtas at sapat na suplay ng tubig laluna sa mga mahihirap na komunidad.

Sinabi ng WPN na sa Pilipinas, ang lalong pinahirap ng pribatisasyon ng mga kagamitan sa pampublikong tubig ang pagkakaroon ng mga tao ng tubig. Idinagdag rin nito na 16 sa 100 pamilya sa lahat ng saray ng kita ay walang ligtas na tubig. Sa Metro Manila, patuloy ring tumaas ang presyo ng tubig mula nang isapribado ang MWSS, sa pagtaas ng dalawang pribadong kumpanya ng kanilang batayang singil nang 449% (Maynilad) at 845% (Manila Water).

Idinagdag ng grupo na kulang sa 60% ng serbisyo ng Maynilad sa kanlurang sona ang may 24-oras serbisyong tubig, habang 99% ang saklaw ng suplay ng Manila Water sa silangang sona subalit hindi pinag-iiba ang mga erya na may direktang kuneksyong pambahay sa mga sineserbisyuhan ng mga pribadong tagasuplay ng tubig.

Ayon sa grupo ang kakulangan sa tubig kamakailan sa Metro Manila ay dapat magsilbing hamon sa administrasyong Aquino na baligtarin ang proseso ng pribatisasyon ng tubig na pinakinabangan lamang ng mga pribadong korporsyon at mayayamang pamilya sa bansa, habang lalong dinadagdagan ang bagahe ng mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng sobra-sobrang singil at dispalinghadong serbisyo. Dapat ding itulak ng resolusyon ng UN ang gubyerno na seryosohin pang lalo ang responsibilidad nito na magtustos ng sapat at abot-kayang tubig para sa mahihirap, anang WPN.

 


 

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.