Laiban Dam a costly, needless project: Indigenous people, water advocates hold protest at MWSS
The MWSS is expected to award the P52-billion dam project to bidder San Miguel Corp. (SMC) soon but the group reiterated that there is no need to construct the Laiban Dam.
Members of the Water for the People Network (WPN) marched and held a protest outside the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) to voice their opposition against the Laiban Dam project. Inside the MWSS office, the group’s representatives also attended the dialogue with regulatory officials to determine the status of the Laiban deal.
The group showed its support for WPN member organizations No to Laiban Dam and Kalipunan Ng Mga Katutubong Mamamayan Ng Pilipinas (KAMP), whose members will be directly affected by the construction and operation of the Laiban Dam project.
The MWSS is expected to award the P52-billion dam project to bidder San Miguel Corp. (SMC) soon but the group reiterated that there is no need to construct the Laiban Dam.
For one, 15% to almost 60% of water coming from the current sources– the Angat and Umiray dams– is lost to leakages. Maynilad alone is still wasting as much as 1,400 MLD of water, 13 years since it took over the west zone of the MWSS service area. Addressing these systems loss caused by corporate neglect and profit-oriented water services may already wipe out any projected increase in water demand.
According to the WPN, the MWSS and SMC are misleading the public by claiming that there will be a deficit in water supply and demand in Metro Manila and nearby provinces by 2015 if the Laiban Dam project is not pursued.
The group urged the MWSS to drop the P52-billion mega-project of SMC because its construction will displace around 21,000 farmers and indigenous people in Tanay, Rizal and General Nakar, Quezon.
Constructing the Laiban Dam will further marginalize the poor water consumers through more exorbitant rates because of provisions for guaranteed profits (whether take-or-pay or other schemes) as stipulated in the proposal of SMC. An earlier estimate by Maynilad shows that provisions in the Laiban Dam may increase Maynilad rates by an additional P10 per cubic meter or a 37% hike.
The WPN reiterated that the Laiban Dam is clearly a costly, unnecessary project that will only financially benefit SMC while causing serious harm to farmers and indigenous people in Tanay and Quezon. At the same time, it will aggravate the basic problem of lack of access to water services by poor consumers in Metro Manila and nearby provinces, who have already seen water rates go up by as high as 449% (Maynilad) to 845% (Manila Water) since the MWSS privatization in 1997. (end)
The Water for the People Network (WPN) is a nationwide multi-sectoral alliance of various groups campaigning for people’s control over their water resources. IBON is part of the network secretariat.
Laiban Dam -- mahal at di kinakailangang proyekto: Katutubong mamamayan, tagapagtaguyod ng tubig, nagprotesta sa MWSS
Inaasahang malapit nang ibigay ng MWSS ang P52-bilyong proyektong dam sa San Miguel Corp. (SMC) subalit binigyang-diin ng grupo na walang pangangailangan na itayo ang Laiban Dam.
Nagmartsa at nagprotesta ang mga myembro ng Water for the People Network (WPM) sa labas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa proyektong Laiban Dam. Sa loob ng opisina ng MWSS, dumalo rin ang mga kinatawan ng grupo sa dayalog sa mga regulatory official upang matukoy ang estado ng kasunduang Laiban.
Sinuportahan ng grupo ang myembrong organisasyon ng WPN na No to Laiban Dam at Kalipunan ng mga Katutubong Mamamamayan ng Pilipinas (KAMP), na ang mga myembro ay direktang maapektuhan ng pagtatayo at operasyon ng proyektong Laiban Dam.
Inaasahang malapit nang ibigay ng MWSS ang P52-bilyong proyektong dam sa San Miguel Corp. (SMC) subalit binigyang-diin ng grupo na walang pangangailangan na itayo ang Laiban Dam.
Una, halos 15%-60% ng tubig na nagmumula sa kasalukuyang pinagkukunan -- ang mga dam ng Angat at Umiray -- ay nawawala dahil sa mga tulo. Ang Maynilad pa lamang ay nagsasayang pa rin ng kasing-dami ng 1,400 MLD ng tubig, 13 taon sapul nang saklawin nito ang kanlurang bahagi ng erya na sineserbisyuhan ng MWSS. Ang pagtugon sa pagkawalang ito nang dahil sa sistema na sanhi ng pagpapabaya ng kumpanya at mga serbisyong-tubig na para sa tubo ay maaari nang pumawi sa anumang nakikitang pagtaas sa pangangailangan para sa tubig.
Ayon sa WPN, nililito ng MWSS at SMC ang publiko sa paghayag na magkakaroon ng pagkukulang sa suplay at pangangailangan sa tubig sa Metro Manila at mga kalapit-prubinsya sa 2015 kapag hindi itinuloy ang proyektong Laiban Dam.
Iginiit ng grupo sa MWSS na bitawan na ang P52-bilyong mega-proyekto ng SMC dahil palalayayasin nito ang may 21,000 magsasaka at katutubong mamamayan sa Tanay, Rizal at General Nakar, Quezon.
Lalong iiitsapwera ng pagtatayo ng Laiban Dam ang mga maralitang mamimili ng tubig sa pamamagitan ng napakataas na mga singil dahil sa mga probisyon para sa tiyak na tubo (take-or-pay man o iba pang iskema) na nakalagay sa mungkahi ng SMC. Ipinapakita ng dating pagtantsa ng maynilad na ang mga probisyon sa Laiban Dam ay maaaring magpataas sa singil ng Maynilad nang dagdag na P10 kada kubiko metro o 37% pagtaas.
Binigyang-diin ng WPN na malinaw na ang Laiban Dam ay isang mahal at di kinakailangang proyekto na pakikinabangin lamang ang SMC samantalang magsasanhi ng seryosong pinsala sa mga magsasaka at katutubong mamamayan sa Tanay at Quezon. Gayundin, palalalain nito ang batayang problema ng kakulangan sa naaabot na serbisyong tubig ng mga maralitang mamimili sa Metro Manila at mga kalapit-prubinsya, na naranasan nang tumaas ang singil sa tubig mula 449% (Maynilad) hanggang 845% (Manila Water) mula nang isapribado ang MWSS noong 1997. #
(Ang Water for the People Network (WPN) ay pambansang alyansang multi-sektoral ng iba't ibang grupong nangangampanya para sa kontrol ng mamamayan sa kanilang pinagkukunan ng tubig. Ang IBON ay bahagi ng secretariat ng network na ito.)