Reacting to the Aquino administration’s news that the full-year gross domestic product (GDP) could top the 5-6% projection set by officials for 2012, research group IBON reiterates that the growth is based on merely shallow and speculative sources undeserving of hype.
According to IBON, the recent third quarter GDP growth was driven mainly by public construction, posting a growth of 24.3% from 8.8% in the previous year. The Aquino administration actually allocated in 2012 an infrastructure budget worth Php142 billion, much higher than that in 2011. Yet government investment in construction was still not enough to attract foreign direct investment (FDI) in construction, which substantially slowed down to 29% growth in January-September 2012 from 2011.
Aside from construction, the GDP growth was also driven by transportation, storage and communication (TSC), trade and repair, financial intermediation, and real estate, renting and business activities. These sectors, according to the research group, are not domestically-grounded production using domestic sources. Aside from all gains going to foreign companies, these high growth sectors are also not resulting in sufficient job creation and in fact, are the sectors that reported the most number of business closures and job retrenchments.
==========================
Ispekulatibo, mababaw ang pinagmumulan ng paglago ng ekonomiya
Bilang reaksyon sa balita ng administrasyong Aquino na maaaring mahigitan pa ng buong taong gross domestic product (GDP) ang 5-6% pagtaya ng mga upisyal para sa 2012, inulit ng IBON na ang paglago ay nagmula lamang sa mga mababaw at ispekulatibong sektor na di karapat-dapat ipamalita.
Ayon sa IBON, ang paglago ng GDP ng ikatlong kwarto ay itinulak pangunahin ng pampublikong konstruksyon, na lumago nang 24.3% mula sa 8.8% noong nakaraang taon. Sa aktwal, naglaan ang administrasyong Aquino noong 2012 ng badyet pang-imprastruktura na nagkahalagang Php142 bilyon at mas mataas kaysa sa inilaan para rito noong 2011. Subalit hindi pa rin naging sapat ang puhunan ng gubyerno sa konstruksyon para makahikayat ng direktang dayuhang pamumuhunan (FDI) sa konstruksyon, na bumagal sa 29% paglago noong Enero-Setyembre 2012 mula 2011.
Bukod sa konstruksyon, itinulak rin ang paglago ng GDP ng transportasyon, pag-imbak at komunikasyon, kalakal at pagkumpuni, financial intermediation, real estate, pagpapaupa at mga aktibidad na pangnegosyo. Ang mga sektor na ito, ayon sa grupong panaliksik, ay hindi produksyong nakaugat sa lokal na ekonomya at gumagamit ng lokal na rekurso. Ang ganansya ng paglago ng ekonomya ay pumupunta sa mga kdayuhang empresa. Subalit ang mga sektor na tinaguriang 'high growth' ay hindi rin nakalilikha ng makabuluhang trabaho at sakatunayan ay ang mga sektor na pinakamarami ang naiulat ng mga insidente ng pagsasara ng kumpanya at tanggalan ng manggagawa.
Idinagdag rin ng IBON na, kahit diumano'y pinakamataas ang paglago ng Pilipinas sa buong Southeast Asia, hindi nangyayari ang paglago sa konteksto ng isang produksyong pambuong-ekonomiya. Sa halip, ang ipinamamalitang paglago ay ispekulatibo at nakatuon sa pagpinta ng estableng imahe ng ekonomiya ng Pilipinas upang makahikayat ng dayuhang pamumuhunan.
Imbes na ipamalita ang 'kahanga-hangang' paglago ng GDP, sinabi ng IBON na dapat tingnan ng gubyerno ang mga palatandaan na makabuluhan sa mamamayan tulad ng sapat na kita, estableng trabaho at sapat na panlipunang serbisyo.
IBON added that, despite supposedly being the highest growth in Southeast Asia, growth is not happening in the context of an economy-wide production. Instead, the growth hype is speculative and is intended to build a stable image of the Philippine economy to attract foreign capital.
Instead of hyping the “impressive” GDP growth, IBON said that the government should look into indicators that are relevant to the people, such as adequate incomes, stable jobs and sufficient social services. (end)