Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Malacanang told: economy has enough profits to support wage hike

IBON NEWS | 21 March 2012 | Employers in the Philippines can afford a substantial wage hike if only they accept a cut in their already considerable profits

The economy has more than enough profits to support a substantial wage hike. According to research group IBON, the benefits of a wage hike for workers and their families are clear and will substantially improve their welfare.

IBON made the statement after Malacanang announced yesterday that it does not support the proposed Php 125 wage hike bill pending in Congress as the economy cannot accommodate the wage increase.

The group said that employers in the Philippines can afford a substantial wage hike if only they accept a cut in their already considerable profits. In 2009, all the establishments in the country of all employment sizes had combined profits of Php1,629.5 billion and 3.94 million employees, according to the 2009 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) of the National Statistics Office (NSO).

Granting an across the board wage hike of Php125 means workers will receive an additional Php3,802 per month, and that employers will spend an additional Php49,427 per employee per year (assuming 13 months of pay). The total cost of the proposed wage hike will only be Php194.9 billion. When subtracted from total profits, this will still leave establishments with Php1,434.6 billion in profits. This is only a 12% cut in their profits, said IBON.

The situation is even more straightforward for the country’s largest corporations. The Top 1,000 corporations in the country combined annual net income increased from Php116.4 billion in 2001 to Php804.1 billion just in 2010, with a cumulative Php4,593 billion over the decade 2001-2010. Combined net income in 2010 was nearly double the Php416 billion in 2008 despite the onset of the global crisis – affirming their ability to absorb a significant wage hike.

These enterprise and big corporate profits starkly contrast with the conditions of workers. The average daily basic pay that wage and salary workers in the country actually received – as opposed to merely mandated minimum wages that are not necessarily actually paid – increased from Php222 in 2001 to Php321 in 2011 (July estimate). The additional Php99 amounts to a 45% increase in wages but was not even enough to make up for the continuous increase in prices which increased by over 62% over the same period. Inflation over this 11-year period averaged 5.2% including a peak of 9.3% in 2008 upon the steep increase in oil prices then. The wage increase was more than offset by inflation and workers instead saw the real value of their wages drop Php24 or a nearly 11 percent decline.

A large wage hike will be beneficial not just for workers and their families but also the economy. The transfer of money from rich to poor households will increase aggregate demand and stimulate the economy. High-income households have a higher propensity to save and low-income households, so deprived even of basic necessities, a higher propensity to consume.

Opposition to a wage increase and alarmist scenarios of runaway inflation and massive job losses are unwarranted, and may just be justifications to preserve high profits at the expense of workers and other low-paid employees. According to IBON, raising wages is one of the most concrete ways for growth in the country to become more inclusive rather than benefiting just a handful of elite families and big corporations. (end)

==================================================

Malacanang sinabihan: may sapat na tubo sa ekonomya para suportahan ang dagdag-sahod

May sapat na tubo ang ekonomya para suportahan ang makabuluhang dagdag-sahod para sa mga manggagawa. Kongkreto ang benepisyo ng dagdag-sahod para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya at tiyak na makatutulong sa pagpaunlad ng kanilang kalagayan.

Sinabi ito ng grupong panaliksik na IBON sa isang pahayag matapos ianunsyo ng Malacanang na hindi nito sinusuportahan ang mungkahing P125 wage hike bill na nakasalang ngayon sa Kongreso dahil diumano ay wala sa kakayahan ng ekonomya ang dagdag-sahod sa mga manggagawa.

Ayon sa grupo, kaya ng mga employer sa Pilipinas ang makabuluhang dagdag-sahod kung tatanggapin lamang nila ang tapyas sa kanilang kasalukuyang masaganang kita. Noong 2009, ang mga kumpanya sa bansa na may iba’t ibang laki ay may pinagsamang kita na Php1,629.5 bilyon at 3.94 milyong empleyado, ayon sa 2009 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) ng National Statistics Office (NSO).

Kung igagawad ang across the board na dagdag-sahod na P125, makatatanggap ang mga manggagawa ng dagdag na Php3,802 kada buwan, at ang mga kumpanya ay gagastos nang dagdag na Php49,427 bawat empleyado bawat taon (sa kwentang 13 buwang pagpasahod). Ang kabuuang halaga ng mungkahing dagdag-sahod ay Php194.9 bilyon lamang. Kapag ibinawas sa pangkabuuang kita, may matitira pa ring Php1,434.6 bilyon sa tubo ng mga kumpanya. Katumbas lang ito ng 12% bawas sa kanilang tubo, ayon sa IBON.

Mas matingkad ito sa kaso ng pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Ang pinagsamang taunang netong kita ng Top 1,000 korporasyon sa bansa ay tumaas mula Php116.4 bilyon noong 2001 papuntang Php804.1 bilyon noon lamang 2010, na may kumulatibong Php4,593 bilyon sa buong dekada 2001-2010. Ang pinagsamang netong kita ng mga ito noong 2010 ay halos doble ng Php416 bilyon noong 2008 kahit sa pagsigabo ng pandaigdigang krisis. Pinapatampok nito ang kakayahan ng mga kumpanya na magkaloob ng makabuluhang dagdag-sahod.

Ang kita ng malalaking enterpresa at kumpanya ay matingkad na kabaligtaran ng kalagayan ng mga manggagawa. Ang karaniwang basic pay na aktwal na natanggap ng mga manggagawang sahuran -- at hindi yung nakatakdang minimum wage na hindi naman laging halagang aktwal na naibabayad -- ay tumaas mula P222 noong 2001 papuntang Php321 noong 2011 (July estimate). Ang dagdag ng Php99 ay katumbas ng 45% pagtaas sa sahod ngunit hindi man lamang ito naging sapat para sumabay sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na tumaas nang higit 62% sa parehong panahon. Ang tantos ng implasyon (inflation rate) sa loob ng nakaraang 11 taon ay umabereyds nang 5.2% kabilang ang rurok na 9.3% noong 2008 dahil sa matarik na pagtaas ng presyo ng langis noon. Bahil sa mataas na implasyon, nawalan ng saysay ang dagdag-sahod at sa halip, ang mga manggagawa ay nakaranas ng pagbagsak ng halaga ng kanilang tunay na sahod nang Php24 o halos 11% pagbagsak.

Magiging kapakipakinabang ang makabuluhang dagdag-sahod hindi lang para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya kundi para sa kabuuan ng ekonomya. Ang paglipat ng salapi mula sa mayayamang sambahayan patungo sa mahihirap na sambahayan ay lilikha ng karagdagang pangkabuuang demand at magpapasigla sa ekonomya. Ang mga sambahayan na mataas ang kita ay may mas mataas na likas na tendensya na makaipon habang ang mga sambahayan na mababa ang kita, na napagkakaitan pa ng mga batayang pangangailangan, ay may mataas na likas na tendensyang kumonsumo.

Walang matibay na batayan ang pagtutol ng gubyerno sa dagdag-sahod at mga alarmistang senaryo ng di mapigilang implasyon at malawakang kawalan ng trabaho. Posible ring katuwiran lamang ang mga ito para panatilihin ang malalaking kita ng mga dayuhan at malalaking kumpanya na pinipiga sa mga manggagawa at iba pang empleyadong mababa ang sahod. Ayon sa IBON, ang pagtaas ng sahod ay isa sa mga pinakakongkretong paraan para ang paglago ng ekonomya ay mas maramdaman ng mamamayan imbes na pinakikinabangan lamang ng dayuhan at malalaking korporasyon.

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.