The slow 4.9% growth in the gross domestic product (GDP) in the first quarter shows how the relatively high growth in 2010 was mainly a rebound from 2009 rather than a sign of the economy being on a high growth path, according to research group IBON.
The target of 7.3% for this year, IBON added, is unlikely to be reached or sustained if all the government is banking on for this are private-public partnerships (PPP)-driven infrastructure, multi-million cash dole outs, global economic recovery and the supposed “business and consumer” trust in government.
The multiplier effects of the proposed PPPs and cash transfers are limited, IBON said. Moreover, the global economy is not recovering and even risks another downturn, with even the United Nations acknowledging that there will be weaker global growth in 2011. The so-called confidence, meanwhile, is exaggerated and is of little impact.
Also, the very poor performance in OFW earnings should be particular cause for alarm, and suggests that domestic consumption and growth will be further affected in the coming period. This could also indicate that the country is reaching or is at the limits of being a remittance-driven economy. Not only is the global economy sluggish but so many other countries of Southeast Asia, South Asia, Eastern Europe and Latin America are now also sending their workers abroad.
The slow economic growth highlights the urgency of discontinuing economic policies that overly rely on unsustainable sources of growth such as overseas workers' remittances and foreign investments. With the administration nearing its first year, it is even more challenged to build domestic economic momentum by addressing job generation and creating conditions for strong domestic industry and agriculture, said the group. (end)
===
Mabagal na paglago sa 1st Quarter, pahiwatig na malabong makamit ang year-end target
Ipinapakita ng4.9% na mabagal na paglago sa gross domestic product (GDP) sa unang kwarto ng 2011 na ang relatibong mataas na paglago noong nakaraang taon (2010) ay, sa pangunahin, pagbuwelta lang mula sa 2009. Hindi ito senyales ng ekonomyang nasa landas ng mataas na paglago, pagdidiin ng grupong panaliksik na IBON.
Idinagdag pa ng IBON na ang target na 7.3% para sa taong ito ay malabong makamit o masustine. Ito ay kung ang tanging sinasandigan ng gubyerno para rito ay mga imprastrakturang tulak ng private-public partnerships (PPP), mga multimilyong ‘cash dole-outs’ , ang rekoberi ng pandaigdigang ekonomiya, at ang binibidang “business and consumer confidence” sa gubyerno.
Sinabi ng IBON na limitado ang pakinabang sa iminumungkahing PPP at cash transfer program. Higit pa, ang pandaigdigang ekonomiya ay hindi naman nagrerekober at delikado pang muling bumulusok. Binanggit pa nga ng United Nations na inaasahan ang mas mahinang paglago sa pandaigdigang ekonomya sa 2011. Ang tinatawag namang business and consumer confidence ay masyadong napalalaki at katunayan ay maliit lang ang talagang epekto sa ekonomya.
Dapat ring ikabahala ang napakahinang pasok ng kita ng mga OFW. Ipinapahiwatig nito na lalaong maaapetuktuhan sa mga susunod na panahon ang lokal na pagkonsumo at paglago. Ipinapakita rin nito na umaabot na ang Pilipinas sa rurok ng pagkakaroon ng ekonomyang nakasandig saremitans. Bukod ito, hindi lang pandaigdigang ekonomya ang malamya kundi maging ang iba pang bansa sa Southeast Asia, South Asia, Eastern Europe at Latin America ay nag-ieksport na rin ng kanilang mga manggagawa sa ibang bansa.
Pinapatampok ng mabagal na paglago sa ekonomya ang pangangailangan sa kagyat na pagtigil ng mga patakaran sa ekonomya na masyadong umaasa sa di-sustinableng mga mapagkukunan ng paglago gaya ng mga remitans ng overseas workers at dayuhang pamumuhunan. Ngayong mag-iisang-taon na ang administrasyon, lalo itong nahahamon na palakasin ang lokal na ekonomya sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagpanday ng mga patakaran para sa matatag na lokal na industriya at agrikultura.