Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Wage increase justifiable, possible

IBON NEWS | 14 April 2011 |The total cost of the proposed wage hike will only be Php135.6 billion which, subtracted from total profits, will still leave establishments with Php759.6 billion in profits.

If small and large employers in the Philippines accept a cut in their already-substantial profits, they can afford to grant a sufficient wage increase, according to research group IBON. The benefits for workers and their families is unambiguous and a wage hike will provide immediate relief, even if not yet necessarily bringing all of them up to a decent standard of living.

IBON noted that the economy actually has more than enough profits to support workers’ call for a Php125 wage increase. Government data show that establishments in the country with total employment of 20 and over had combined profits of Php895.2 billion and 2.74 million employees, according to the preliminary results of the 2008 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) of the National Statistics Office (NSO).

Granting an across the board wage hike of Php125 means workers will receive an additional PhP3,802 per month, and that employers will spend an additional Php49,427 per employee per year (assuming 13 months of pay). The total cost of the proposed wage hike will only be Php135.6 billion which, subtracted from total profits, will still leave establishments with Php759.6 billion in profits. This is only a 15.1% cut in their profits.

Giving a Php125 wage hike in NCR will cost employers Php61.0 billion and reduce their profits by only 17.3%, from Php352.1 billion to Php291.1 billion. Average profit per establishment in the NCR will only fall by Php6.8 million and still leave them with an average of Php32.2 million in profits each.

According to IBON, the situation is even more straightforward for the country’s largest corporations. The Top 1,000 corporations in the country combined annual net income increased from Php116.4 billion in 2001 to Php756.0 billion just in 2009, with a cumulative Php3,788.9 billion over the period 2001-2009.

These enterprise and big corporate profits starkly contrast with the conditions of workers. The average daily basic pay that wage and salary workers in the country actually received – as opposed to merely mandated minimum wages that are not necessarily actually paid – increased from Php222 in 2001 to Php301 in 2010 (preliminary estimate). The additional Php79 amounts to a 36% increase but was not even enough to make up for the continuous increase in prices which soared some 56% over the same period – with inflation at an annual average of 5.2% over the 10-year period including a peak of 9.3% in 2008. The net effect is that the wage increase was more than offset and workers instead saw a Php28 drop in the real value of their wages.

A large wage hike will be beneficial not just for workers and their families but also the economy, IBON added. The transfer of money from rich to poor households will increase aggregate demand and stimulate the economy. High-income households have a higher propensity to save and low-income households, so deprived even of basic necessities, a higher propensity to consume, the group said.

======================

Dagdag-sahod makatwiran, posible

IBON News | 14 Abril 2011 | Ang pangkabuuang halaga ng mungkahing dagdag-sahod ay magiging Php135.6 bilyon lamang, na kung ibabawas sa pangkalahatang tubo, ay magtitira pa sa mga establisimyento ng Php759.6 bilyong tubo.

Kung pahihintulutan lamang ng maliliit at malalaking empleyado sa Pilipinas ang pagbawas sa kanilang kasalukuyang malalaki nang tubo, kakayanin nilang magbigay ng sapat na dagdag-sahod, ayon sa grupong panaliksik na IBON. Malinaw ang magiging benepisyo nito sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya. Magbibigay ang dagdag-sahod ng kagyat na ginhawa, kundi pa man ito aabot sa disenteng pamumuhay.

Ipinaliwanag ng IBON na sa katunayan, ang ekonomiya ay may higit sa sapat na tubo upang suportahan ang panawagan ng mga manggagawa para sa P125 dagdag-sahod. Ipinapakita ng datos ng gubyerno na ang mga establisimyento sa bansa na may pangkabuuang trabahador na 20 mahigit ay may pinagsamang tubo na Php 895.2 bilyon at 2.74 milyong empleyado, ayon sa mga paunang resulta ng 2008 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) ng National Statistics Office (NSO).

Kung igagawad ang across the board na dagdag-sahod na Php125, makatatanggap ng dagdag na Php3,802 kada buwan ang mga manggagawa, at gagastos ng dagdag na Php49,427 kada empleyado ang mga employer kada taon (para sa 13 buwang sahod). Ang kabuuang halaga ng mungkahing dagdag-sahod ay magiging Php135.6 bilyon lamang, na kung ibabawas sa kabuuang tubo, ay magtitira ng Php759.6 bilyong tubo. Katumbas lang ito ng 15.1% tapyas sa kanilang tubo.

Ang pagbigay ng Php125 dagdag-sahod sa NCR ay magkakahalaga ng Php61.0 bilyon para sa mga employer at mababawasan ang kanilang tubo nang 17.3% lamang sa Php 291.1 bilyon mula Php352.1 bilyon. Ang karaniwang tubo kada kumpanya sa NCR ay babagsak lamang nang Php6.8 milyon at may matitira pa sa kanilang abereyds na Php32.2 milyong tubo bawat isa.

Ayon sa IBON, ang sitwasyon ay higit na malinaw sa kaso ng pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Ang pinagsamang netong kita ng Top 1,000 korporasyon sa bansa ay tumaas sa Php756.0 bilyon nitong 2009 lamang mula Php116.4 bilyon noong 2001, na may kumulatibong Php3,788.9 bilyon mula 2001-2009.

Tahasan ang pagkakaiba sa pagitan ng malalaking negosyo at tubo ng mga kumpanya sa isang banda, at sa kundisyon ng mga manggagawa sa kabilang banda. Ang karaniwang arawang batayang sahod na aktwal na natatanggap ng mga de-sweldong manggagawa sa bansa – di yaong mga deklaradong minimum na sahod na hindi naman aktwal na naibayad – ay tumaas sa Php301 noong 2010 mula P222 noong 2001 (paunang tantsa).

Ang dagdag na Php79 ay tumutumbas sa 36% pagtaas subalit hindi man lang sapat upang masabayan ang tuluy-tuloy na pagtaas sa mga presyo na sumirit nang 56% sa loob ng parehong panahon – habang may implasyon sa taunang abereyds na 5.2% sa loob ng 10-taon kabilang ang rurok na 9.3% noong 2008. Ang netong epekto ay ang higit na pagkabalewala ng dagdag-sahod at sa aktwal ay dumanas pa ng Php28 pagbagsak sa tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa.

Ang sapat na dagdag-sahod ay magiging kapaki-pakinabang hindi lang para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya kundi pati sa ekonomiya, ayon sa IBON. Ang paglipat ng salapi mula sa mayayaman papunta sa mahihirap na sambahayan ay magtataas sa pangkalahatang demand at mag-iistimula sa ekonomiya. Ang mga pamilya na matataas ang kita ay may mas mataas na tendensyang makaipon at ang mga sambahayang may mas mabababang kita, na lubos nang napagkakaitan maski ng kanilang mga batayang pangangailangan, ay may mas mataas na tendensyang kumonsumo, ayon sa grupo.

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.