Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

New poverty methodology reduces number of poor by 5.3 million

Philippine poverty line now pegged at PhP46 per person per day

Research group IBON questions the new methodology of the National Statistical Coordination Board (NSCB), saying that it significantly reduces the number of poor Filipinos by some 5.3 million.

The approved revisions reflected in the NSCB’s methodology for estimating poverty places the number of poor Filipinos to just 23.1 million in 2009. If the original methodology was consistently used, the number of poor should have been 28.5 million in 2009, which means that the new methodology effectively reduces the number of poor by 5.3 million without really improving the poverty situation. It would also show that the number of poor Filipinos increased by 850,000 from 2006 to 2009.

The NSCB has done this by pegging the official poverty threshold, or the amount supposedly necessary for a tolerable standard of living, at just PhP46 per person per day instead of PhP52 per person per day if the old methodology was used.

This implies that a Filipino on average needs just PhP46 a day to meet all of his or her food and non-food needs. Basic needs include food, education, clothing and footwear, medical care, transportation and communication, fuel, light and water, housing, housing maintenance, furnishings, household operations, personal care and effects, and rental.

It must be stressed that the old methodology estimate of 28.5 million poor Filipinos in 2009 is still a likely low estimate because it assumes that a Filipino needs just P52 per day to stay out of poverty.

According to IBON, improvements to scientific methodologies are welcome but the new methodology seems unresponsive and detached to everyday realities. The group added that it is better to err on the side of conservatism rather than paint an overly optimistic picture especially in the case of the Philippines which has seen rapid growth amid rising joblessness and low incomes. (end)

===

Bagong metodolohiya sa kahirapan, pinabababa ang bilang ng mahihirap nang 5.3 milyon; Kahirapan sa Pilipinas nakapako ngayon sa P46 kada tao kada araw

Kinukwestyon ng grupong panaliksik na IBON ang bagong metodolohiya ng National Statistical Coordination Board (NSCG). Lubos na pinabababa nito ang bilang ng mahihirap na Pilipino nang 5.3 milyon, anang grupo.

Inilalagay ng mga aprubadong rebisyon na sinalamin sa metodolohiya ng NSCB sa pagtantsa sa kahirapan sa 23.1 milyon lamang ang bilang ng mahihirap na Pilipino noong 2009. Kung ang orihinal na metodolohiya ay tuluy-tuloy na ginamit, ang bilang ng mahihirap ay nasa 28.5 milyon na noong 2009, na nangangahulugang ang bagong metodolohiya ay epektibong nagpapababa sa bilang ng mahihirap nang 5.3 milyon nangn hindi tunay na pinabubuti ang sitwasyon ng kahirapan. Ipapakita rin nitong ang bilang ng mahihirap na Pilipino ay tumaas nang 850,000 mula 2006 hanggang 2009.

Ginawa ito ng NSCB sa pamamagitan ng pagpako ng upisyal na poverty threshold o hangganan ng kahirapan, o ng halagang tantsang kailangan upang mabuhay ang Pilipino sa kinakayang antas, sa P46 kada araw lamang upang matugunan ang lahat ng kanyang mga pangangailangang pagkain at di-pagkain. Kabilang sa mga batayang pangangailangan ang pagkain, edukasyon damit, pampaa, serbisyo medikal, pamasahe at komunikasyon, gasolina, ilaw at tubig, pabahay, pagmantine sa bahay, mga gamit sa bahay, mga operasyon dito, mga epektos pampersonal at upa. Kailangang bigyang-diin na ang tantsa ng lumang metodolohiya na 28.5 milyong mahihirap na Pilipino noong 2009 ay mababang tantsa pa rin dahil ipinagpapalagay nitong kailangan lamang ng P52 kada araw para di mabilang na mahirap.

Ayon sa IBON, ang mga pag-unlad sa mga metodolohiyang siyentipiko ay kagalak-galak subalit ang bagong metodolohiya ay tila di tumutugon at nakalutang sa pang-araw-araw na reyalidad. Idinagdag rin ng grupo na mas mainam magkamali sa panig na konserbatibo kaysa ipintura ang lubhang optimistikong larawan laluna sa kaso ng Pilipinas na nakitaan ng mabilis na paglago sa gitna ng tumataas na disempleyo at mabababang kita. #

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.