With 4.16 million jobless, high unemployment still cause for concern for Aquino gov’t
The stubbornness of high unemployment and underemployment despite reported third quarter economic growth affirms that joblessness is a serious cause for concern
Government’s latest labor force survey pegs unemployment at 2.80 million in October 2010, slightly higher than the 2.72 million reported in the same period last year. However these data could place the number of unemployed at 4.16 million instead, according to research group IBON.
The figure is based on a recently revised definition of unemployment and an estimate approximating the previous definition for comparability with previous years.
IBON added that while the reported creation of over a million jobs from last year is welcome, the quality of over half these jobs leaves much to be desired. Out of the one million net new jobs created, some 515,000 were in among the economy’s lowest earning sectors: agriculture (201,000 jobs), wholesale and retail trade (251,000) and private households (62,000).
The increase in jobs in agriculture is particularly problematic given its earlier reported 2.5% contraction in the third quarter, which implies lower average incomes for workers in the sector. The average basic pay of wage and salary workers in trade (Php258 daily in 2009) and private households (Php126) is also well below the national average of Php291. This could also explain why the number of underemployed persons increased by 264,000 this year.
The stubbornness of high unemployment and rising underemployment in October despite what government earlier called “scintillating” 6.5% economic growth in the third quarter affirms that joblessness remains a serious cause for concern. According to IBON, there is a problem if the economy is consistently able to register growth and deliver corporate profits but unable to create enough jobs and raise wages. The situation highlights the need for urgent reforms in the domestic economy and address its inability to create regular and productive jobs, the group said. (end)
===
Sa 4.16 milyong walang trabaho, mataas na disempleyo alalahanin pa rin ng gubyernong Aquino
Ang kaganitan ng mataas na disempleyo at underemployment (estado ng pagkakaroon ng trabaho na hindi tugma o sapat sa hangad na trabaho ng mangaggawa) sa kabila ng nakaulat na paglago ng ekonomya sa ikatlong kwarto ay nagtitibay na ang kawalang-trabaho ay seryosong sanhi parin ng pag-aalala.
Inilalagay sa 2.80 milyon noong Oktubre 2010 ng pinakahuling labor force survey ng gubyerno ang disempleyo, mas mataas nang kaunti sa 2.72 milyong naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon. Subalit ang datos na ito ay maaaring maglagay sa bilang ng walang trabaho sa 4.16 milyon, anang grupong panaliksik na IBON.
Ang numero ay batay sa kamakailang nirebisang depinisyon ng disempleyo at sa tantsa na umaayon sa nakaraang depinisyon upang maipagkumpara sa mga nakaraang taon.
Idinagdag ng IBON na habang ang nakaulat na paglikha ng mahigit milyong trabaho mula sa nagdaang taon ay kalugud-lugod, ang kalidad ng mahigit kalahati sa mga trabahong ito ay marami pang iniwang hahangarin. Sa isang milyong netong trabahong nalikha, 515,000 ay kabilang sa mga sektor na pinakamabababa ang kita: agrikultura (201,000 trabaho), kalakalang tingi at pakyawan (251,000), at mga pribadong sambahayan (62,000).
Ang pagtaas ng bilang ng trabaho sa agrikultura ay may partikular na problema gayong ang naunang naiulat na 2.5% pagliit nito sa ikatlong kwarto, ay nagpapahiwatig ng mas mababang abereyds na kita para sa mga manggagawa sa sektor. Ang abereyds na batayang sweldo sa mga sahurang manggagawa sa kalakalan (Php258 kada araw noong 2009) at mga pribadong sambahayan (Php 126) ay malayong mababa rin sa pambansang abereyds na Php291. Maipapaliwanag rin nito kung bakit ang bilang ng mga taong underemployed ay tumaas nang 264,000 ngayong taon.
Ang kaganitan ng mataas na disempleyo at tumataas na underemployment noong Oktubre sa kabila ng nauna nang tinawag ng gubyernong “scintillating” 6.5% paglago ng ekonomya sa ikatlong kwarto ay nagtitibay na nananatiling seryosong dahilan ng pagkabahala ang kawalang-trabaho. Ayon sa IBON, may problema kapag a ekonomya ay patuloy na nagsasad ng paglago at naghahatid ng tubong negosy subalit di nakalilikha ng sapat na trabaho at di nakapagtataas ng sahod. Pinapatampok ng sitwasyong ito ang pangangailangan paa sa kagyat na reporma sa lokal na ekonomya at harapin ang kawalang-kakayahan nitong lumikha ng mga regular at produktibong mga trabaho, anang grupo. #