Pres. Benigno “Noynoy” Aquino is set to witness the signing of the Millennium Challenge Account (MCA) during his US visit, but research group IBON warns that the agreement is biased against national interest and gives way for more erroneous policies that have eroded the local economy.
The MCA, a US$434-million compact grant agreement of the US government’s Millennium Challenge Corp. (MCC), requires the Philippines to meet certain indicators such as open trade, economic freedom, good governance, adherence to human rights, etc. to continue receiving the aid. To qualify for support, recipient countries are required to implement neoliberal economic and political policies approved by the World Bank and International Monetary Fund (IMF), and neoconservative US think-tanks Heritage Foundation and Freedom House.
According to IBON, the requirements to meet the indicators for trade policy, inflation and fiscal policy are exactly the same policy measures contained in the discredited World Bank structural adjustment programs and IMF stabilization programs of past decades. They seek to completely open up the economy to foreign capital at the expense of real domestic development, and to promote fiscal austerity to be able to keep repaying debt. These policies are designed to benefit mainly US commercial and strategic interests and not development or poverty reduction in the country. Moreover, the MCC indicators are inconsistent with real asset and wealth redistribution in the domestic economy.
The requirements for the indicator on “regulatory quality” for instance are about further shrinking the capacity of government to intervene in the economy in the greater social interest. This is a rehash of the old 1980s ‘minimalist state’ approach that the recent global financial crisis has exposed as grossly inadequate in terms of national development. Even the indicators on anti-corruption, rule of law and government effectiveness are more concerned about creating a stable and consistent business environment for US firms to operate and profit than on improving the people’s welfare.
The indicators on political rights and civil liberties also appear little considered with the real state of human rights in the country. Meanwhile, the supposed poverty alleviation projects (US120-million for the Kalahi CIDSS) has been proven by experience to momentarily disguise poverty causes and divert from the need for basic structural economic reforms.
IBON adds that MCC is also a tacit endorsement of the failed Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) which enshrines ‘just compensation’ rather than ‘free distribution of land to the tiller’ as the cornerstone of agrarian reform. This is likely one of the measures for the indicator on land rights.
IBON stresses that the MCC is about promoting the US’s preferred version of neoliberal free market democracies– democratic in form but severely undemocratic in their outcomes. As clearly shown in how the last decade of the most rapid economic growth in the country has been accompanied by rising poverty, these policies have excluded the majority of Filipinos from the benefits of growth. (end)
===
Pagpirma ni Aquino sa millenium challenge account, nagbibigay-daan sa higit pang problematikong mga patakaran
Balitang IBON | 22 Setyembre 2010 | Ang MCC ay tungkol sa paglako ng pinapaboran ng US na bersyon ng mga demokrasya ng malayang pamilihan – demokratriko sa anyo pero malubhang di-demokratiko sa kanilang mga resulta.
Nakatakdang saksihan ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino ang pagpirma sa Millennium Challenge Account (MCA) sa pagbisita niya sa US, subalit nagbababala ang grupong panaliksik na IBON na ang kasunduan ay kiling laban sa pambansang interes at nagbibigay-daan sa higit pang maling mga patarakan na nagpaguho sa lokal na ekonomya.
Ang MCA, isang compact grant na kasunduang nagkakahalagang US$434-M ng Millennium Challenge Corp. (MCC) ng US, ay nag-oobliga sa Pilipinas na matupad ang ilang partikular na istandard tulad ng bukas na kalakalan, pangekonomyang kalayaan, mabuting paggugubyerno, pagtalima sa karapatang-tao, atbp., upang patuloy na matanggap ang ayuda. Upang maging kwalipikado para sa suporta, ang mga tatanggap na bansa ay inoobligang magpatupad ng mga pangekonomya at pampulitikang patakarang neoliberal na inaprubahan ng World Bank at International Monetary Fund (IMF), at ng neokonserbatibong mga think-tank sa US tulad ng Heritage Foundation at Freedom House.
Ayon sa IBON, ang mga rekisito sa pagtupad ng mga istandard para sa patakarang pangkalakalan, implasyon at piskal ay ang eksaktong parehong mga patakarang hakbang na nilalaman ng structural adjustment programs ng nasirang World Bank at mga programang pang-estabilisasyon ng IMF nitong mga nakaraang dekada. Nilalayon ng mga itong kumpletong buksan ang ekonomya sa dayuhang puhunan sa kapinsalaan ng tunay na lokal na pag-unlad, at palaganapin ang pagtitipid-piskal upang patuloy na magbayad-utang. Ang mga patakarang ito ay dinisenyo upang pakinabangan ng mga interes-komersyal at estratehikong US at hindi ng pag-unlad o pagbawas sa kahirapan sa bansa. Higit pa, ang mga istandard ng MCC ay di tugma sa tunay na muling-pagpapamahagi ng yaman sa lokal na ekonomya.
Ang mga rekisitos para sa istandard sa “regulatory quality” halimbawa ay hinggil sa ibayong pagpapaliit ng kakayahan ng gubyerno na mangialam sa ekonomya sa higit na panlipunang interes. Pag-uulit ito ng lumang lapit na “minimalist state” noong 1980s na inilantad na nitong krisis pampinansyang pandaigdig kamakailan bilang lubhang kulang kung pambansang pag-unlad ang pag-uusapan. Kahit ang mga istandard sa kontra-korapsyon, paggana ng batas at epektibidad ng gubyerno ay higit pang abala sa paglikha ng estable at walang-palyang kapaligirang pangnegosyo upang makakilos at tumubo ang mga kumpanya ng US imbes na pabutihin ang kalagayan ng mamamayan.
Ang mga istandard sa karapatang pulitikal at sibil ay mistulang bahagya lamang na isinasaalang-alang sa totoong lagay ng karapatang tao sa bansa. Samantala, ang diumano’y mga proyekto para sa pagpawi ng kahirapan (US120-milyn para sa Kalahi CIDSS) ay napatunayan na sa kasaysayan na pansamantalang ipinapagpanggap ang mga sanhi ng kahirapan at lumilihis sa batayang istruktural na repormang pangekonomya.
Idinagdag rin ng IBON na ang MCC ay malinaw na pag-endorso sa bigong Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagtataguyod sa “makatarungang kabayaran” imbes na “libreng pagpapamahagi ng lupa sa nagbubungkal” bilang sandigan ng repormang agraryo. Pinakamalamang na isa ito sa mga hakbang para sa istandard sa karapatan sa lupa.
Binigyang-diin ng IBON na ang MCC ay hinggil sa paglako ng pinapaboran ng US na bersyon ng neoliberal na demokrasyang pang-malayang pamilihan – demokratiko sa anyo subalit lubhang di-demokratiko sa kanilang mga resulta. Gaya ng malinaw na ipinakita sa kung papaano nitong nakaraang dekada ng pinakamabilis na pag-unlad sa ekonomya sa bansa ay sinabayan ng tuminding kahirapan, initsapwera ng mga patakarang ito ang karamihan sa mga Pilipino mula sa mga pakinabang ng pag-unlad.